Pagmumulan ng pondo para sa Bayanihan 3, hindi pa rin matukoy ng pamahalaan

62

Patuloy pa ring inaalam ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang ₱401 billion Bayanihan 3 bill, na layong maibangon ang ekonomiya mula sa pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang nila nag report ng economic team kung mayroong budget para rito.


Titingnan din kung mayroon pang available funding mula sa 2021 National Budget at Bayanihan 2 law.

Nabatid na aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang nasabing panukala.

Facebook Comments