Pagnanakaw at personal na alitan, nakikitang motibo ng QCPD sa pagpatay kay NDFP Consultant Randal Echanis

120

Pagnanakaw at personal na alitan ang sinisilip ng Quezon City Police District (QCPD) na motibo sa pagpatay sa dalawa katao na sinasabi ng mga militanteng grupo na si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant Randal Echanis.


Ayon kay QCPD Director Brigadier Gen. Ronnie Montejo, posibleng akyat-bahay ang pumasok sa apartment at maaaring nanlaban ang biktima kaya ito sinaksak.

Lumilitaw aniya na ang pangalawang bangkay kasi na si Louis Tagapia ay may tattoo ng Sputnik Gang.

Maliban sa motibo, inaalam ni QCPD Director Brigadier Gen. Ronnie Montejo ang tunay na pagkakakilanlan ng isa sa biktima na nakilala sa kaniyang ID na si Manuel Santiago.

Taliwas ito sa iginigiit ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na si NDFP consultant at KMP Secretary General Randy Echanis.

Facebook Comments