Pagpapaalis sa 60 pamilya sa Barangay Marcelo Green, Parañaque – ipinatigil

Parañaque City – Ipinatigil ang eviction o pagpapaalis sa may 60 pamilya sa Sitio Fatima sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Matatandaang ipinatupad ng Sheriff ng Parañaque Regional Trial Court branch 274 ang utos ng korte dahil sa hindi nagbabayad ng buwanang singil ng homeowners association ang mga pamilya.

Natigil ang pagpapaalis nang dumating si Presidential Commission for the Urban Poor Chairperson Terry Ridon para igiit sa Sheriff at sa asosasyon na walang legal na batayan ang eviction.


Nakatakdang mag-usap ang mga apektado kampo kaugnay sa bayarin.

Facebook Comments