Pagpapaba ng presyo ng pangunahing bilihin at ibang pangangailangan, tutukan ni Mayor Isko Moreno kapag nanalong pangulo

57

Plano ngayon ni Mayor Isko Moreno na tutukan ang pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin at ibang pangangailangan.

Ito’y kung mananalo siya bilang pangulo sa darating na halalan.

Ayon kay Mayor Isko, malaking bagay para sa mga ordinaryong mamamayan na mapababa ang mga pangunahing bilihin dahil dito magsisimula na mapagaan ang pamumuhay ng bawat pililpino.


Nais rin ng alkalde na mapababa ang presyo ng elektrisidad, langis, pabahay, mqtriula, gastos sa hospital at iba pa.

Bukod dito, hangad rin ni Mayor Isko na mapagkalooban ng trabaho ang lahat ng Pilipino.

Aniya, magagawa niya ang mga ito kasama ng partido Aksyon Demokratiko kung papalarin sila na manalo sa 2022 elections.



Kaya’t nananawagan siya sa bawat pilipino na kung nais nila ng pagbabago maiging siya na ang piliin upang maipatupad ito.

Facebook Comments