Ipinanawagan ngayon ang pagtaas ng naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus/ Acquired Immunodeficiency Syndrome sa lalawigan ng La Union.
Sa privilege speech ni Hon. Ruperto Rillera Jr. sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan Session noong February 11, sinabi nito na nakapagtala ng walumpong (80) bagong kaso ng HIV ang lalawigan noong October 2023 at nadagdagan ng limang bagong kaso nitong Oktubre 2024 lamang.
Sa kabuuan, nasa 643 HIV cases ang naitala sa La Union mula 1984 hanggang 2024 ayon sa HIV/AIDS at ART Registry of the Philippines.
Bagaman nagpapatuloy ang prevention at treatment programs ng iba’t-ibang pagamutan at ahensya, inamin ng Provincial Local Aids Council na kinakailangan pang paigtingin ang kampanya kontra sa mga transmissible diseases.
Nakatakdang pamunuan ng Committee on Component City and Municipal Affairs ang pagpupulong upang talakayin ang nararapat na pagdaragdag ng budget at kagamitan upang makontrol ang HIV cases sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨