Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Ilocos Norte ang adhikaing maiwasan ang insidente ng pagkalunod kasunod na rin ng inaasahan pang dagsa ng mga turista ngayong summer vacation.
Alinsunod ito sa inisyatiba ng Department of Health – Ilocos Region sa pagtataguyod sa “4Bs” o ang Bantayan ang mga bata, Bida ang salbabida, Barrier at Bawal ang alak.
Sa naganap na pulong, ibinahagi ni Doctor Jessa Mae De Guzman, ang Medical Specialist III and head of the Public Health Unit at DOH-Ilocos ang mga kaalamang nakapaloob ukol dito.
Binigyang-diin ang nararapat na pagbabantay sa mga kasamang bata, paggamit ng iba’t-ibang life savers tulad ng life vest at iba pa, pagtatayo ng mga barriers, at ang hindi dapat pag-inom ng alak.
Nagpakita ng suporta at pakikiisa ang lalawigan sa pamamagitan ng pagbababa sa mga komunidad ng mga nasabing kaalaman at paglunsad ng water safety practices sa mga higit dinadagsang pinagliliguan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨