Pagpapabakuna, isang ‘moral obligation’ ng bawat Pilipino – Galvez

Iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na isang moral obligation ng mga Pilipino ang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Galvez, hindi magnonormal ang pamumuhay ng lahat at hindi makababangon ang ekonomiya kung hindi magpapabakuna ang mga tao.

Hindi na dapat hintayin pa ng mga tao ang gusto nilang brand ng bakuna, na may mataas na efficacy rate.


Sa first quarter ng 2021, nasa 5.1 million doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa kabilang ang isang milyong doses ng Sinovac na nakatakdang dumating ngayong buwan.

Kabilang din sa shipment ang 3.5 million doses ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX facility pero maaantala dahil sa isyu sa supply at logistics.

Facebook Comments