Pagpapabakuna laban sa COVID-19, boluntaryo sa Antipolo City

Photo Courtesy: Mayor Jun-Andeng Ynares

Nilinaw ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares na boluntaryo ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil marami umano ang mga natatakot sa magiging side effects nito.

Sa kanyang social media post, sinabi ng alkalde na nauunawaan niya ang takot ng mga tao sa pagpapabakuna dahil sa naging isyu ng Dengvaxia vaccine noon.

Handang-handa na umano ang City Health team para sa target na pagpapabakuna sa buwan ng September hanggang December 2021.


Facebook Comments