Pagpapabakuna ni Pangulong Duterte, mananatiling pribado – Malacañang

49

Nanindigan ang Malacañang na hindi isasapubliko ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nagboluntaryo si Pangulong Duterte na unang mabakunahan ng bakunang gawa ng Russia o China, pero kinalaunan ay inalok niya ang kanyang sarili na huling magpabakuna para iprayoridad sa immunization ang mga mahihirap, vulnerable sector at mga mahihina.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na desisyon ito ng Pangulo at hindi na niya kailangang magpaliwanag hinggil dito.

Nais gayahin ng Pangulo sina Queen Elizabeth at Prince Philip na pribadong tumanggap ng bakuna.

Ang Buckingham Palace ay naglabas lamang ng maikling pahayag hinggil sa pagpapabakuna ng royal couple.

Facebook Comments