Pagpapadeport Sa Mga Chinese Illegal Workers Na Naaresto Sa Casino Ni Jack Lam – Pinamamadali Na Ng Pangulong Duterte

5

PAMPANGA – Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice ang pagpapa-deport sa mahigit isang libong Chinese illegal workers na naaresto sa Fontana Leisure Park sa PampangaAng nasabing casino ay pagmamay-ari ng wanted na Chinese gambling operator na si Jack Lam.Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kahit ang pinayagang magpyansa sa naarestong 1,000 chinese illegal workers ay kailangan ding ma-deport kaagad.Sinabi ni Aguirre na kaagad na maba-blacklist ang mga Chinese illegal workers na ito sakaling makalabas na ng bansa.Kasabay nito, kinumpirma ni Aguirre na nagpahayag na ng pagsuko si Lam.Magugunita na noong Disyembre ay ipinaaresto si Lam dahil sa bribery at economic sabotage.

Facebook Comments