Isa, patay matapos rumagasa ang isang kotse sa Divisoria

Isa ang kumpirmadong patay habang anim ang sugatan matapos humarurot ang isang kotse sa Divisoria, Maynila kaninang umaga.

Ang biktimang nasawi ay isang lalaki na nagbibisikleta lamang nang mahagip ng isang kotseng pula na may plate number na NDL-9295 na minamaneho ni Armando Pitas, 55-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, may naunang nasagasaan ang kotse pero nagbalak na tumakas kaya’t lalo itong nagdulot ng pinsala sa ibang mga tao at sasakyan.


Patuloy naman inaalam ng mga otoridad ang totoong dahilan ng insidente.

Facebook Comments