PAGPAPAGANDA SA CAUAYAN CITY AIRPORT, TUTUTUKAN NI SEN. RAFFY TULFO

21
Cauayan City, Isabela- Nangako si Senator Elect Raffy Tulfo na tututukan nito ang pagpapaganda sa Cauayan City Airport kasunod ng kanyang pagkapanalo sa katatapos na May 9, 2022 elections.

Sinabi niya ito sa kanyang pagdalo sa inagurasyon at panunumpa ng mga newly elected officials sa Cauayan City nitong Martes, June 28, 2022 kung saan target nitong ayusin at palawakin ang Cauayan City Airport.

Ito aniya ang kanyang uunahing gagawing proyekto sa Lungsod ng Cauayan bilang pagbabalik-tanaw sa ibinigay na suporta sa kanya ng mga mamamayang Cauayeño.

Ibubuhos aniya nito ang kanyang suporta at dedikasyon para matiyak na maisakatuparan ito.

Bukod dito, ipinangako rin ni newly elected Senator Tulfo na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulungan nito ang mga opisyal ng Siyudad ng Cauayan para mailapit sa Senado ang mga planong proyekto na gustong gawin dito sa Lungsod.

Facebook Comments