Pagpapahinto sa operasyon ng motorcycle taxi, hindi na matutuloy

95

Hindi na huhulihin ng Department of Transportation o DOTR ang mga motorcycle taxi at tuloy na uli ang kanilang pagpasada.

Ito ay dahil hindi na maipapatupad ang rekomendasyon inter-agency Technical Working Group o TWG on motorcycle taxis na pagterminate o pag-hinto sa pilot testing para sa pasada ng motorcycle taxi.


Mismong si Senator Christopher Bong Go ang nagbalita nito sa mga nagtipon-tipon na riders ng angkas sa harap ng gate ng Senado.

Ayon kay Senador Go, kinausap na nya si transportation secretary arthur tugade at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Martin Delgra para ituloy ang pilot test sa operasyon ng motorcycle taxi.

Diin ni go, ayaw din ni pangulong rodrigo duterte na mawalan ng trabaho ang mga riders ng motorcycle taxi.

Kaugnay nito ay iginiit ni Go sa mga riders na maging maingat sa pagpasada at tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Facebook Comments