Pagpapaigting ng booster shot sa bansa, magsisilbing senyales sa buong mundo na open for business na ang Pilipinas ayon sa pangulo

133

Para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., may mensahe sa buong mundo kung muling magiging masigasig ang gobyerno sa pagbabakuna sa booster dose.

Ayon sa pangulo, kung makikita ng buong mundo na nananatiling maigting ang kampanya ng Pilipinas sa pagbabakuna ay magsisilbi itong signal na open for business ang bansa.

Makapaghahatid aniya ito ng mensahe na bukas na uli ang ekonomiya ng bansa at welcome na ito para sa investors.


Kaya ang panawagan ng pangulo na maibalik sana ang dating sigla sa pagbabakuna at sanay maulit muli ang ginawa ng mga Local Government Unit (LGU) noong nakaraang taon na kung saan ay very good ang mga ito sa ikinasang vaccine rollout.

Kaugnay nito’y una nang hiningi ng pangulo ang suporta ng mga LGU na mapaigting sana lalo na ang pagbibigay ng booster dose gayung kasado na rin sa kabilang banda ang face-to-face classes sa Setyembre.

Facebook Comments