Pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga at illegal gambling, isa sa mga pangunahing utos ng bagong regional director ng Police Regional Office 6

102

Roxas, Philippines – Pagpapaigting ng kampanya laban sa iligal na droga at illegal gambling ang ilan lamang sa marching orders ni Police Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag ang bagong regional director ng police regional office, ito ang sinabi ni police senior superintendent Samuel Nacion, Provincial Director ng Capiz PNP.

Ginawa ni General Binag ang nasabing utos kasabay ng turn-over of command sa Camp Delgado, sa lungsod ng Iloilo noong Mayo 15, 2017 kung saan pinalitan nito ang dating regional director ng PRO 6 na si police Chief Supt. Jose Gentiles.

Si Binag ay graduate mula sa PMA class 1987 at ang pinakahuling assignment nito ay sa firearms and explosive office ng Campo Crame.

Sinabi din ni Nacion na may mga bagong programa ang Capiz PNP upang mas mapalakas pa ang kampanya ng mga kapulisan laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Isa na rito ang pagtutok sa mga high value targets, nagsasagwa rin sila ng log-in log-out system sa mga barangay kung saan sinisita ng mga kasapi ng BPAT at mga barangay officials ang mga tao na sa kanilang palagay may kadudadudang pakay sa kanilang nasakupan.
DZXL558

Facebook Comments