Pagpapaigting sa paghahanap sa mga suspek sa Absalon case, iniutos ni PNP Chief Eleazar

70

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang kaniyang hanay na paigtingin pa ang paghahanap sa mga suspek sa likod ng pagpatay kay Far Eastern University football player Kieth Absalon at isa pa nitong kasama.

Sa inilabas ng pahayag ni Eleazar, inatasan nito ang lahat ng police stations and offices na pagbutihin pa ang intelligence operations upang mabilis na masubaybayan at maaresto ang mga suspek.


Para kasi kay Eleazar, makakatulong ang paghuli upang maibsan ang takot na mga residente sa Masbate City laban sa pwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Una nang nahuli ang isang suspek sa pagpatay kay Absalon at sa isang pang kasama nito na si Mariel Cañete na nasa kustodiya na ng Masbate City Police Station.

Facebook Comments