Pagpapaikli ng gap sa pagitan ng doses ng AstraZeneca vaccines, pinag-aaralan ng DOH

71

Sinisilip na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na paikliin ang interval sa pagitan ng una at pangalawang doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Nabatid na inanunsyo ng United Kingdom na paliliitin ang gap sa pagitan ng dalawang doses ng AstraZeneca vaccines sa loob ng walong linggo.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang usual interval ng AstraZeneca vaccine ay sa pagitan ng apat hanggang dalawang linggo.

Sinabi ni Vergeire, na makakakuha ng mataas na efficacy kung bibigyan ng mahabang interval period ang pagitan ng una at pangalawang doses, batay sa mga ebidensya.

Gayumpaman, Ang mga local health experts ay magsasagawa ng pag-aaral kung ang bansa ay susunod sa naturang development mula UK.

Facebook Comments