Pagpapaikli sa proseso ng vaccination rollout, hiniling ng Octa Research Group

20

Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na paikliin ang proseso sa vaccination rollout.

Ayon kay OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco, hindi praktikal ang mahigpit na screening sa mga vaccination center.


Aniya, natural na taas ang blood pressure (BP) ng mga magpapabakuna dahil sa takot o nerbyos.

Nagbibigay rin aniya ng kalituhan lalo na sa mga ordinaryong tao ang mga komplikadong tanong sa pinasasagutang registration form.

Nagpaalala naman si Fr. Austriaco sa mga babakunahan na dumating sa itinakdang oras para hindi na pumili ng mahaba na makakaapekto sa kondisyon ng kanilang katawan.

Facebook Comments