Pagpapakansela sa passport ni dating Rep. Elizaldy Co, hiniling na ng liderato ng Kamara sa DOJ

Kinumpirma ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na agad niyang hiniling sa Department of Justice (DOJ) ang pagkansela sa passport ni dating Representative Elizaldy Co matapos itong magbitiw bilang kinatawan sa Kamara ng Ako Bicol Party-list.

Ayon kay Dy, agad niyang tinawagan si dating Justice Secretary Crispin Remulla matapos matanggap ang resignation letter ni Co noong September 29.

Sabi ni Dy, hiniling niya sa DOJ ang pinakamabilis na paraan para makansela ang passport ni Co para malimitahan ang kaniyang galaw sa ibang bansa.

Hakbang ito ni Dy sa gitna ng mga alegasyon kay Co kaugnay sa budget insertions at maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments