
Isusulong ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang pagpapalawak ng cancer care para sa mga mahihirap na kababayan.
Binigyang-diin ng senador ang patuloy na pagsisikap na mabigyan ng sapat na pondo ang Cancer Assistance Fund (CAF) tuwing budget season.
Nakapaloob sa pondong ito ang suporta para sa treatment o pagpapagamot ng mga cancer patient na kapos sa pinansyal.
Bilang vice chairman din aniya ng Committee on Finance ay sinisiguro niya na maibibigay ang nararapat na budget para sa mga pasyenteng may sakit na cancer.
Nananatili rin ang senador sa pagtutulak na magkaroon ng isang healthcare system na walang Pilipinong mahihirap ang mapag-iiwanan.
Facebook Comments