Pagpapalawig ng curfew hour sa Pagadian, niluluto na sa konseho

Pagadian, Philippines – Niluluto na ngayon ng konseho ng lungsod ng Pagadian ang pagpapalawig ng curfew hour sa layuning mapanatili ang seguridad sa siyudad.

Nakasaad sa kasalukuyang ipinapatupad ang curfew ordinance, bawal nang magpakalat-kalat sa kalye mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Magugunitang noong Lune,s apat na menor de edad ang naaresto ng mga otoridad, ngunit hindi kontento nito ang bise-alkalde ng lungsod na si Ernesto Mondarte at plano nitong palawigin mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang curfew hour.


Isasalang pa ito sa ikalawang pagbasa sa Sangguniang Panlungsod sa susunod na linggo.
DZXL558

Facebook Comments