Pagpapalawig ng school year at balak na dalawang linggong break ng mga estudyante, inaalmahan ng isang kongresista

85

Tutol ang Kabataan Partylist sa Kamara sa plano ng Department of Education (DepEd) na i-extend o palawigin pa ang school year at ang balak na gawing dalawang linggo lang ang bakasyon ng mga mag-aaral.

Katuwiran dito ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, maraming kabataan na ang hindi makasabay sa distance learning dahil sa dagdag na gastos at kawalan ng access o kahirapan sa online classes, maging sa mga modules kaya naman nasasangkalan na ang kalidad ng edukasyon.


Naniniwala ang kongresista na hindi matutugunan ng pagpapalawig sa school year ang mga hamon ng distance learning.

Sa kabilang banda, sang-ayon naman ang mambabatas na dapat bigyan ng flexibility at assistance ang mga hindi nakakumpleto ng requirements ngunit mas kailangan ng mga estudyante at mga guro ang health breaks sa gitna ng pandemya.

Dagdag pa ng mambabatas, maaaring gamitin ang summer break para i-assess ang blended distance learning.

Maaari rin aniyang gamitin ang pagkakataon na ito para planuhin at paghandaan ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan at ang unti-unting pagpapatuloy ng face-to-face classes.




Facebook Comments