Pagpapalawig sa Enhanced Community Quarantine sa NCR plus bubble, tinitimbang pa ni Pangulong Duterte

478

Tinitimbang pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa o hindi ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan.

Ito sa gitna ng nakatakdang pagtatapos ngayong araw ng ECQ na unang ipinatupad noong Marso 29 dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.


Sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakabatay ang magiging desisyon ng Pangulo sa health care utilization rate sa NCR plus bubble.

Matatandaang kahapon ay hindi natuloy ang pag-aanunsiyo ng magiging quarantine classification para sa mga susunod na araw dahil wala pang pinal na desisyon ang Pangulo.

Facebook Comments