Pagpapaliban ng BSKE ngayong taon, inaasahang magiging batas

Tiwala si Senate President Chiz Escudero na lalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos at magiging ganap na batas ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.

Sa ilalim ng niratipikahang panukala bago magsara ang 19th Congress ay ipinatatakda sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 ang BSKE.

Ayon kay Escudero, tiwala siyang magiging ganap na batas ito dahil ito ang pinagkasunduan sa pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Kumpyansa rin si Escudero na hindi ito madedeklarang labag sa Konstitusyon dahil kasama na sa probisyon ang pagtatakda ng bagong termino ng mga barangay at SK officials.

Kung matatandaan, idineklara ng korte na partially unconstitutional ang pagpapaliban sa 2022 BSKE dahil inurong ang halalan at walang itinakdang termino sa mga barangay officials.

Facebook Comments