Pagpapaliban ng eleksyon sa BARMM, isinulong sa Senado

28

Inendorso ng Senate Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang panukalang batas na nagpapaliban sa unang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa kanyang sponsorship speech ay ipinaliwanag ni Tolentino na kailangang ipagpaliban ang eleksyon para mapalawig ang transition period sa BARMM hanggang 2025.


Ayon kay Tolentino, ito ay para mabigyan ng panahon ang Bangsamoro Transition Authority o BTA na magawa ang mga proyekto at programa na itinatakda ng Bangsamoro Organic Law.

Binanggit din ni Tolentino na malakas ang suporta ng iba’t ibang Muslim groups sa Mindanao para sa pagpapaliban ng eleksyon na nakatakda sana sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.

Facebook Comments