Pagpapaliban sa 2022 election, malinaw na paglabag sa Konstitusyon ayon sa isang kongresista

157

Malinaw na paglabag sa batas ang anumang hakbang para ipagpaliban ang eleksyon.

Ito ang posisyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isa ring abogado, sa naunang suhestyon ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na pag-aralan ng Commission on Elections (COMELEC) na i-postpone muna ang nakatakdang 2022 presidential elections.

Ayon kay Rodriguez, tutol siya sa mungkahing ito dahil anumang deferment o pagpapahinto sa halalan ay paglabag sa itinatakda ng Konstitusyon na magsagawa ng pambansang eleksyon kada tatlong taon tuwing ikalawa ng Lunes ng buwan ng Mayo.

Kailangan aniyang maghalal ng susunod na Presidente at Bise Presidente sa 2022 lalo pa’t fixed ang termino ng mga ito at hindi maaaring palawigin.

Bukod dito, kailangang harapin din ng mga senador, kongresista, at mga LGU elective officials ang desisyon ng taumbayan pagsapit ng halalan.

Bagama’t naiintindihan ni Rodriguez ang concern ng kasamahang kongresista na posibleng marami ang hindi bumoto dahil sa takot sa COVID-19, mayroon pa naman aniyang mahigit isang taon at kalahati para mapaghandaan ito at posibleng sa panahong iyon ay mayroon na ring bakuna laban sa sakit.

Sakali naman aniyang may COVID-19 pa sa 2022 ay nariyan ang COMELEC na maghahanda para sa epektibo at episyenteng paraan ng pagsasagawa ng halalan.




Facebook Comments