Pagpapaliban sa 2022 poll, masyado pang premature

82

Masyado pang premature para ikonsidera ang pagpapaliban sa 2022 national election.

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, ang pag-postpone sa halalan ay sasalungat sa sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ng gobyerno ang lahat para tugunan ang COVID-19 pandemic.

Sa halip, dapat aniya na ang Pangulo at mga kaalyado nito ang unang nagbibigay ng kasiguraduhan sa publiko na matutuloy ang eleksyon.

Kasabay nito, pinayuhan ni Macalintal ang Commission on Elections (COMELEC) na obserbahan ang pagsasagawa ng halalan ng ibang mga bansa na nahaharap din sa pandemya.

Facebook Comments