
Nakasalalay sa kamay at desisyon ng mayorya ng mga senador ang pagpapanatili at pagpili ng isang senate president.
Kaugnay na rin ito sa pagbabago ng komposisyon ng Senado sa pagpasok ng 20th Congress at paghayag ng kahandaan ni presumptive Senator Tito Sotto III na maging Senate President kung sakali.
Sinabi ni Escudero na mananatili siyang Senate President hanggang sa susunod na Kongreso maliban na lang kung magpasya ang mayorya na palitan siya.
Batay kasi sa rules ng Senado, magpapatuloy ang senate president sa susunod na Kongreso kung hindi naman ito kasama sa mga nag-graduate na senador at hindi rin pinalitan ng mayorya.
Dagdag ni Escudero, hindi ito usapin kung umaasa siyang mananatili sa pwesto kundi ito ang katotohanan na maaaring mangyari sa kahit sinong senador.