Pagpapanibagong aplikasyon ng scholarship sa QC, hanggang June 5 na lang

37

Mayroon na lamang hanggang Biyernes, June 5, 2020 para makapagpabago ng aplikasyon sa scholarship ang mga scholar ng Quezon City Government para sa second semester ng 2019-2020.

Inanunsyo ng QC Local Government Unit (LGU) na kailangan lamang ng estudyante na i-download at sagutan ang renewal form sa website na http://tiny.cc/renewalforms


Sasagutan din ang renewal link sa http://tiny.cc/SYDPOnlineRenewal2

Pagkatapos nito, saka lamang  ia-upload ang nasagutang renewal form, kasama ang larawan ng first semester 2019-2020 grade slip at first semester 2019-2020 Certificate of Scholarship.

Kapag nakumpleto na ang lahat, hihintayin na lamang ang email ng Scholarship and Youth Development Program (SYDP) para sa second semester 2019-2020 Certificate of Scholarship.

Paalala pa ng QC Government na hindi na kailangang mag-renew kung mayroon ng Certificate of Scholarship ang estudyante para sa second semester ng 2019-2020.

Ang mga iskolar ay hindi nakapag-renew ng kanilang scholarship dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).




Facebook Comments