Pagpapanumbalik ng liquor ban pinauubaya na ng palasyo sa LGUs

57

Bahala na ang mga Local Government Units (LGUs) na pasok ang mga lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung ibabalik nila ang liquor ban sa kani-kanilang lugar.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang lokal na pamahalaan ang siyang nag -i-impose ng liquor ban alinsunod sa kanilang ipinasang ordinansa.

Nasa kanila na ngayon kung ipatutupad ang liquor ban sa kanilang nasasakupan habang umiiral ang 2 linggong MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan.

Facebook Comments