Pagpapapasok ng mga babae sa Bilibid, pinagkakakitaan din ng mga BuCor officials

493

Pinagkakakitaan din ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapapasok sa mga babae sa loob ng Bilibid.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, inimbitahan si dating BuCor chief Rafael Ragos, na state witness sa drug trafficking case ni Senator Leila De Lima.


Sinabi ni Ragos – “tilapia” ang code name ng mga pinapapasok nilang mga babae sa Bilibid.

Pagbubunyag pa ni Ragos, mas malaki ang suhol kapag may babaeng dayuhan ang ipapasok at magtatagal pa ng ilang araw sa Bilibid.

Kahit bawal, may nagpa-party sa loob ng Bilibid at nakakapag-imbita pa ng entertainer gaya ng Mocha Girls.

May buwanang kita rin ang BuCor director na hanggang 800,000 pesos mula sa pagkain ng mga preso na galing sa caterer.

Nagagawa rin sa loob ng Bilibid ang pagpaplano ng kidnapping at negosasyon ng ransom.

Malaya ring naisasagawa ang pasugal at pagpasok ng mga kontrabando.

Facebook Comments

From Advertisers