Pagpaparegister ng “Pasig Pass” sa mga empleyado ng Pasig City Hall, tatapusin ngayong araw

35

Ipinag-utos ni Pasig City Mayor Vico Sotto na tapusin ngayong araw ang pagpaparegister sa mga empleyado ng Pasig City Hall.

Aniya, umaasa siya na bago matapos ang araw na ito may kanya-kanya na silang PasigPass QR Code.

Dagdag pa niya, pinamamadali niya ito dahil darating ang araw na mahigpit niya itong ipatutupad.

Ang PasigPass QR Code ay inilunsad ng pamahalaang lokal ng Pasig City bilang isa sa hakbang nito panlaban sa pagkalat ng COVID-19.

Matatandaang ito ay pormal na inilunsad noong Sabado, Oktubre 10, 2020 kasabay ng paglunsad ng Pasig Health Monitor Center.

Facebook Comments