Pagpaparehistro sa mga plakang nagtatapos sa 8 na napaso na kahapon, pinalawig hanggang Oct. 31, 2022 ng LTO

87

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpaparehistro ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 8.

Sa inilabas na abiso ng LTO, extended hanggang October 31, 2022 ang validity o bisa ng rehistro ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 8 na dapat ay kahapon, September 30, 2022.

Ang hakbang ng LTO ay bilang konsiderasyon na rin sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding.


Bukod dito, pinalawig din hanggang Oct. 31, 2022 ng LTO ang validity ng mga Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License at medical certificate ng na-expired noong buwan ng Agosto at Setyembre 2022.

Facebook Comments