Pagpapasinaya ng bagong gusali ng EPD at San Juan BFP sa San Juan City

28

Pangungunahan mismo nina San Juan City Mayor Francis Zamora, Cong. Ronnie Zamora kasama sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, DILG Secretary Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Gen. Vicente Danao, Eastern Police District (EPD) Director Gen. Matthew Baccay, Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Jose Embang, Jr. ang ground-breaking ceremony ng bagong gusali ng San Juan PNP, BFP at EPD Headquarters sa Santolan Road, kanto ng P. Guevarra Extension, San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang anim na palapag na gusali na mayroong 2 level basement ay magiging bagong headquarters na ng EPD, San Juan PNP, at BFP San Juan, kapag nakumpleto na ang naturang gusali.


Paliwanag ng alkalde, malaking tulong ang paglalagay ng headquarters ng EPD, San Juan PNP at BFP San Juan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar kapag tuluyan ng nakumpleto ang naturang gusali dahil madali ng makakapag-responde ang mga pulis sa oras ng pangangailangan.

Dagdag pa ni Mayor Zamora, hindi na rin mahihirapan pa sakaling sa hindi inaasahan pangyayari ay magkaroon ng sunog dahil madali ng makapagresponde ang mga tauhan ng San Juan BFP at EPD.

Hinikayat din ng alkalde ang mga residente na makipagtulungan sa mga otoridad kung mayroon silang nalalaman o may nagpaplano ng anumang karahasan sa lugar upang agad na mapigilan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.

Facebook Comments