Pagpapataas ng morale ng PNP, tututukan ng bagong DILG chief

68

Tahasang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos na buo ang kanyang suporta sa Philippine National Police (PNP).

Sa pagbisita ni Sec. Abalos sa PNP headquarters kanina, sinabi nitong susuportahan nya ang Pambansang Pulisya sa giyera kontra ilegal na droga at gagawa rin siya ng mga paraan para huwag ma-demoralize ang PNP.

Paliwanag nito, tutulong sya sa paglikha ng mga polisya para mapalakas ang PNP.


Kasama na rito ang pagtitiyak na mas magiging malakas ang kanilang kaso na isasampa laban sa mga mahuhuling drug suspek.

Giit nito, marami kasing nababasurang kaso ang korte dahil na rin sa kakulangan at mahinang ebidensya.

Facebook Comments