Pagpapataas ng vaccination rate, patuloy na isinusulong ni Legarda

Patuloy na isinusulong ni House Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda ang pagpapataas ng vaccination rate sa bansa.

Sa kasalukuyan, nasa halos 67 milyong Pilipino pa lamang ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang mahigit 12 million naman ang naturukan na ng booster shots.

Ayon kay Legarda, mas mapapabilis ang ating economic recovery partikular na sa mga Micro, Small and Medium sized Enterprises kung mas marami na ang mga ganap nang bakunado.


Sa datos ng Department of health, pinakamataas ang vaccination rate sa National Capital Region, at Cordillera Administrative Region habang mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan sa SOCCSKSARGEN at BARMM.

Facebook Comments