Pagpapatala ng mga bagong botante, sisimulan na sa susunod na buwan

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na magsisimula na ang overseas voting registration sa December 9, 2022.

Ayon sa COMELEC, tatagal ang pagpapatala hanggang September 30, 2024.

Kinumpirma rin ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na magsisimula naman ang voter registration sa Pilipinas sa December 12, 2022 at tatagal ito hanggang January 31, 2023.


Ito ay bilang paghahanda na rin sa barangay at SK elections, gayundin sa 2025 Senatorial Elections.

Facebook Comments