Pagpapataw ng buwis sa POGO, isinulong ng isang Senador

36

Inihain ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang Senate Bill No. 1295 na nagtatakda ng pagpapataw ng 30% percent income tax at five percent franchise tax sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Saklaw ng panukala ang lahat ng POGO companies sa buong Pilipinas, local gaming agents at POGO service providers.


Ayon kay Recto, patuloy ang pag-unlad ng POGO industry sa ating bansa.

Sa kabila nito ay idiniin ni Recto na walang pakinabang ang ating ekonomiya mula sa POGO sector kaya dapat na itong buwisan.

Facebook Comments