Pagpapataw ng SRP sa mga bisikleta, hindi madali – DTI

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na mahirap magbigay ng Suggested Retail Price (SRP) para sa lahat ng bisikleta.

Ito ay sa harap ng tumataas na demand sa bisikleta na ginagamit bilang alternatibong transportasyon sa ilalim ng “new normal.”

Paliwanag ni DTI Secretary Ramon Lopez, marami kasing modelo at spare parts para sa mga bisikleta.


Pero nagpaalala ang kalihim na dapat maging tapat ang mga seller sa presyo ng mga ibinebenta nilang produkto.

Nanawagan din ng DTI sa mga seller na huwag samantalahin ang health crisis.

Facebook Comments