Pinakikinabangan na ngayon ng mga estudyante at senior citizen ang kauna-unahang Air-conditioned waiting shed sa Pangasinan na matatagpuan sa bayan ng Mapandan.
Matatandaang binuksan ito sa publiko noong Disyembre 20, upang magbigay ng maayos at komportableng paghihintayan ng masasakyan ang mga commuters.
Ayon sa mga estudyante, malaking tulong umano ang modernong waiting shed lalo sa mga oras na mainit ang panahon.
Malaking ginhawa rin umano ito sa mga senior citizen.
Pakiusap ng lokal na Pamahalaan,panatilihin itong malinis upang mas marami pa ang nakinabang.
Bukas ito mula ala syete ng umaga hanggang ala syete ng gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments