PAGPAPATAYO NG PUBLIC MUSLIM CEMETERY SA LA UNION, IMINUNGKAHI

Iminungkahi ng isang mambabatas sa La Union ang pagpapatayo ng pampublikong sementeryo para sa mga Muslim sa lalawigan.

Sa isang regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng La Union, inilahad ng mambabatas na magsisilbing pagkilala sa tradisyon at kultura ng mga Muslim ang layunin ng konstruksyon.

Daing rin umano ng Muslim Community sa La Union na kinakailangan pang ibyahe sa Pangasinan ang kanilang yumao upang mailibing sa pinakamalapit na sementeryo ng mga Muslim.

Nagiging dagdag sa pasanin pa umano ito sa pamilya ang distansya ng sementeryo dahil kinakailangang mailibing ang yumao sa loob ng 24 oras base sa kanilang tradisyon.

Sa huli, hinimok ng mambabatas ang Sanggunian na gumawa ng hakbang ukol dito para sa mga residenteng Muslim sa lalawigan sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments