
May mga hakbang nang isinasagawa ang pamahalaan para mabawasan ang epekto ng lindol sa pag-aaral ng mga estudyante sa mga apektadong lugar sa Mindanao.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na pagpapatuloy ng klase habang inaasikaso ang mga pinsalang dulot ng lindol.
Matatandaang agad na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Kabilang sa mga paaralang naiulat na napinsala ang Matanao National High School sa Davao.
Wala namang naitalang nasaktan sa insidente, habang nagpapatuloy ang assessment sa lawak ng pinsala sa paaralan.










