Pagpapatupad ng development plan para sa lokal na industriya ng coconut farmers, iniutos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Coconut Authority (PCA) at iba pang ahesya ng gobyerno na ipatupad na ang Coconut Farmers and Industry Developmet Plan 2024 to 2028, para paunlarin ang sektor ng mga magniniyog sa bansa.

Pinagtibay ng pangulo ang resolusyon ng PCA Board, na bumuo ng isang development plan alinsunod sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Sa ilalim nito, nakalatag ang mga intervention para sa mga coconut farmers, partikular ang may kinalaman sa mataas na produksyon at kita, pag-ahon sa kahirapan, at pag-modernize ng industriya.

Target nitong patatagin ang local coconut industry sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon at kapangyarihan sa coconut farmers, pagtatayo ng mga kailangang imprastrukura, at iba pang programa para umangat ang kalidad ng buhay ng mga magniniyog.

Nakapaloob din sa plano ang paglulunsad ng training programs, pagbubukas ng mga bagong pasilidad, pag-a-upgrade sa produksyon ng mga binhi, at pagtatayo ng mga bago pang irigasyon, post-harvest facilities, at iba pa.

Facebook Comments