PAGPAPATUPAD NG PAGSUOT NG HELMET, HINIGPITAN SA SAN MANUEL

Muling ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng San Manuel ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsuot ng helmet sa lahat ng motorista lalo na ang mga menor de edad.

Alinsunod ang direktiba sa nilagdaang ordinansa, na naglalayong maprotektahan ang kaligtasan ng mga residente partikular ang mga kabataan na gumagamit ng mga motorsiklo, bisikleta, at e-bike bilang pangunahing sasakyan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagsusuot ng helmet ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang mga aksidente na maaaring magdulot ng seryosong pinsala.

Bilang bahagi ng kanilang kampanya, patuloy na nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng San Manuel sa mga magulang na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa pagsunod sa batas ng bayan upang makaiwas sa aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments