Pagpapatupad sa phase 3 ng National Action Plan kontra COVID-19, sinigurong wala ng trade-off

44

Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez na walang mangyayaring trade-off sa pagitan ng pampublikong kalusugan at ekonomiya sa pagpapatupad ng phase 3 ng National Action Plan laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Galvez, hindi na ibubuwis ng gobyerno ang public health safety at ekonomiya habang patuloy na nilalaban ng pamahalaan ang pandemya.

Maliban dito, itutuon din nila ang kanilang atensyon sa pagtaas sa bilang ng recoveries at pagpapababa ng mga namamatay.

Ngayong Oktubre nakatakdang simulan ang implementasyon ng phase 3 at sinigurong flexible, adaptable at people-centered ang mga programang kanilang ipapatupad.

Facebook Comments