Pagpapauwi sa OFWs na may plane tickets, permits at exit visa, pinapa-prayoridad

44

Pinapa-prayoridad ni Asst. Majority Leader at Quezon City Representative Precious Castelo ang pagpapauwi sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na may ticket, permit at exit visa mula sa mga employers at sa host country.

Ayon kay Castelo, tinatayang aabot sa 16,000 na stranded OFWs sa Saudi Arabia, United Arab Emirates at Qatar ang nakahanda nang umuwi sa bansa.


Bunsod nito ay hinikayat ni Castelo ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipaayos at madaliin na ang repatriation ng libu-libong OFWs dahil sila na ang bumili ng kanilang commercial flight tickets at wala ng gagastusin ang gobyerno para mapauwi ang mga ito.

Aniya, simula pa ng Coronavirus disease outbreak ay stranded na ang OFWs at desperadong makauwi na sa mga pamilya sa Pilipinas.

Umaasa ang mambabatas na mas maraming OFWs na ang makakabalik sa bansa matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa IATF at sa mga kaukulang ahensya na pabilisin at dagdagan ang bilang ng pauuwiing OFWs.

Facebook Comments