Pagpasa sa panukalang comprehensive sexuality education act, pinapabawi ng isang kongresista

Nakikiisa si CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva sa mga panawagan na bawiin ng Kamara ang pagpasa sa panukalang magpapatupad ng comprehensive sexuality education.

Ito ay ang House Bill 8910 na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noon pang 2023 bilang tugon sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

Sang-ayon si Villanueva na dapat solusyunan ang teenage pregnancy pero giit niya na mali na magpatupad ng comprehensive sexuality education.


Diin ni Villanueva, iginaya lang ito sa patakaran ng ibang mga bansa na labag sa ating konstitusyon at sisira sa god-and family-centered values na isinasabuhay ng mga Pilipino.

Pangunahing tinututulan ni Villanueva ang nakapaloob sa panukala na maaari nang ituro sa anim na taong gulang na mga bata ang sexuality education maging ang hinggil sa masturbation, oral sex, anal sex, at iba pa.

Facebook Comments