Pagpasa sa panukalang magtatatag ng vaccine institute at iba pang priority bills, ipinanawagan ng pangulo sa Kongreso

36

Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng vaccine development institute at disease control center sa Pilipinas.

Sa kanyang ika-anim na huling State of the Nation Address (SONA), nakiusap si Pangulong Duterte sa Kongreso na pabilisin ang pagpasa ng mga panukalang batas na bubuo s Virology Institute of the Philippines at Center for Disease Control and Prevention.


“We hope to pursue the creation of public entities dedicated to managing emerging and re-emerging diseases. I thus fervently request Congress to enact a law creating the Center for Disease Prevention and Control and the Virology and Vaccine Institute of the Philippines,” sabi ni Pangulong Duterte.

Tiwala rin si Pangulong Duterte na kaya ng mga Pilipinong mag-develop ng sariling bakuna.

Bukod dito, nanawagan din si Pangulong Duterte sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Migrant Workers an Overseas Filipinos para sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Nais din ng pangulo na ipasa ng Kongreso ang panukalang batas na magtatatag ng e-governance sa bansa bilang transition patungong digital era.



Kabilang din sa mga nais ng pangulo na aprubahan ng Kongreso ay ang mga sumusunod:
– Disaster Resilience Act
– Retail Trade Liberalization Act
– Foreign Investments Act
– Public Service Act
– Fire Protection Modernization Program

Facebook Comments