Pagpaslang ng Riding In Tandem sa Tindero, May Nakaaway at Usapin sa Lupa ang Nakikitang Motibo!

Luna, Isabela – Maaring may nakaaway at usapin sa lupa ang nakikitang motibo sa pagpaslang sa tindero ng pagkain na pinaslang ng riding in tandem kahapon sa Luna, Isabela. Ito ang naging pahayag ni Police Senior Inspector Reynaldo Viernes ng PNP Luna sa programang Unang Radyo Unang Balita.

Ayon kay Inspector Viernes, malamang na natatakot pa sa ngayon na magsalita ang mga kapatid ni Rodolfo Fernandez maging ang mga nakakita mismo sa naganap na pamamaril.

Malayo naman umano sa anggulo ng pagnanakaw ang krimen dahil sa ordinaryong tindero ng pagkain si Fernandez at hindi naman kalakihan ang kinikita sa pagtitinda ng pagkain


Ganunpaman, umaasa si PSI Viernes na sa mga susunod na araw ay mayroong makapagbigay ng impormasyon upang maresolba rin ang shooting incident sa bayan ng Luna kung saan ngayon lamang ito nangyari kumpra sa nakalipas na taon.

Samantala may apat na tama ng pamamaril si Fernandez kung saan isa sa kaliwang bahagi ng ulo, isa sa dibdib at dalawa sa likod . Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng kalibre kwarentay singko.

Facebook Comments