Pagpasok ng mga turista sa Israel, maaantala dahil sa Delta variant ng COVID-19

47

Posibleng maantala ang pagpasok ng mga turista sa Israel dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon sa Tourism ministry ng Israel, tatagal ito sa loob ng isang buwan hanggang Agosto.


Pero anila, maaari pa naman silang tumanggap ng maliit na grupo mula sa ibang bansa pero kailangang dalawang beses isinagawa ang PCR tests.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 840,225 kaso ng COVID-19 sa Israel habang 6,428 ang nasawi.

Facebook Comments